Thursday, August 31, 2006

Dancing Queen


Last night, I was with my friends, mga banda sila. Dante, a tattoo artist and also a band's vocalist was at the bar. They held their musical tribute scheds every thursday and saturday (may bayad sila). The typical place was small, coazy enough for some group of people who wants to take a night out. I was outside waiting for them to finish their 1st set. While puffing a smoke, suddenly two girls appeared.... napaiktad ako!!...Wow! ang "get-ups!".... parang gusto kong habulin ng towel!, nakalimutan ata ang damit sa bahay. Let me describe; One girl wears a very thin layer of clothes, more like a fish net... imagine that as a "see-through" dress, then, I think it was a g-string and a bra (buti nagsuot), another one was wearing a tube top... sa tingin ko isang dangkal lang, then a micro mini...
as in micro dahil mas malapad pa ata yung tube niya kesa sa skirt niya, and they're marching around the street, ewan ko..galing ata sa lugawan e hahaha. They seems to be drunk at that time at masama na ang tingin sa kin co'z I was looking at them na parang in a different way... ay sus! hindi sila nagkamali noh.... anak ng!! nagulat ako sa mga suot e, I don't know about them but... "Where the hell they get those lakas ng loob to walk around like that?". I found out na isa pala sila sa mga GRO sa loob ng bar. Sa tingin ko rin mga bata pa sila, like 23 or something (bata paba yun?). I am not into this kinda situation because gurlalush nga ako, kasi parang ako ang nahihiya sa kanila. Then hindi ko namalayan, Dante was packing up the 1st set, at nagkita na kami sa labas... Kamustahan... asaran... then they said na jam daw ako sa kanila, "I'm on a rush!" dinaanan ko lang sila. They insist na pumasok kami sa loob ng bar grill... Yung face ko nagiba ng look. Gusto kong tumakbo, nangiti na lang sila kasi alam nila nasa isip ko, "Kakain lang tayo Niq, then balik tayo dito sa labas"... Ok then...kakain lang pala e. Buti na lang dun kami sa may bandang backstage at bka may makakita pa sa kin dun at batukan ako. But I feel uncomfortable, surrounded by those gilrs na iikot-ikot sa tabi ko.
Parang ako si "Flash" kung kumain, "Pare, loaded na ako"... ha ha ha. Then konting kwentuhan sa labas, Im in a hurry talaga kasi may pupuntahan pa ako at baka sakalin na ako ng taong yun.

I remember, like this situation, same thing din, kaso sinadya nman. My kumpareng Fernan and I had this katuwaan, hindi ko maalala kung sino ang may bday samin that night, but we have this few bottles to knock ourselves up.

It was boring na kahit tawanan lang kami ng tawanan that night e para kaming baliw kasi dalawa na nga lang kmi e naglolokohan pa. He has this kwento na may pipuntahan sila na place, as in beerhouse, "Niq!, punta tayo dun, may all the way ngayon dun" ... "Ano naman ang gagawin ko dun?"... and because I have this "tama" na, ayun, I was convinced by this kumag to come along. 9pm pa lang at masyado pang maaga... "Good!... hindi ako pwedeng late na umuwi... magagalit si Jagernaut!" but he still kulit me... "sandali lang tol...tamo matatawa ka". Then ayun, the show starts as early than unexpected. There are 3 teenage girls on stage, dancing, Fernan and I was at the front near the small stage. I was holding a draft while he's holding a light beer (parang baligtad ah). The lights turned off... end of the 1st show... "ok tol, I have enough, can we go now?"... He completely ignored me. Then BOOM! biglang lumiwanag...the lights turned on again... the music was Kenny G's Sillohuete, the girl appeared wearing only a T-back, "Yikes!!!"... kung ano ano pinag gagawa... then ayun...naghubad na. I was looking at her eyes, it seems hindi niya gusto ang ginagawa niya... who would be e binabastos na siya... "Tol!... we have to go...NOW!". I can't take this kinda thing, siguro kahit lalaki ako e hindi ako tatambay sa ganito. Naaawa ako sa kanila. I mean maraming descent na trabaho
naman siguro, nangaling din ako sa hirap pero hindi ako nag-isip na maging ganyan. Hindi ako kumikibo on the way out... "Oy! ano problem mo?" he said... "Can we... just go?".Nasayang ang ininom ko, nawala lasing ko, parang bagong gising sa umaga. He explained that talagang ganun sila, wala tayong magagawa, trabaho yun, "WHAT?! alin ang trabaho?!... Yung magsayaw na 2 steps lang ang alam ang yung pangatlo e maghuhubad kana?!...Tapos kung ano-ano maririnig mo...Hindi ata matatangap ng magulang nila na ipinanganak sila ng ganun tapos they will end up like that!.. Way the go tol!... Hindi excuse yan". I sympathized that girl, nalungkot ako, kapwa ko ganun lang ang ginagawa. "Siya...siya...uwi na tayo". Pero lately natawa ako, para mawala ang badtrip ko e nagkwento nalang ako ng kalokohan para hindi ako matawag na kj.

Marami akong napapansin na ganyan lalo na if you're in Manila. Few years ago, I was single back then, my supervisor sa artist area and I e nagkakulitan din, we end up at Timog Area, a videoke bar pero may mga girls, maayos yung lugar, clean. I expected "it was only a videoke bar" edi eto na ang mga lolo at lola, nagkantahan na, samantalang ako umiikot ang mata. "Ay sus! anu ba yun... ang tanda na o...ang likot pa ng kamay"... PAK!! binatukan ako ng visor ko... he said..."Ano ba?!... magugulpi tayo sa ginagawa mo e, kumanta ka nalang"... kaya siguro hindi na ako sinama ng mga kumag na mga to dahil sa ganun ha ha ha.

Monday, August 28, 2006

I was present...NOT!!

Have you ever heard of the "Budol-Budol"? Gang daw yun and they use hypnotism to the victim(wow!)para makuha nila ang mapapakinabangan sayo. I've heard so many news about that,maraming gimik ang mga magnanakaw... hanef noh parang advertising?!

I have a friend named Butchoi, well gitarista namin sya. Matagal na kami magkasama nyan but the one that I will tell you na story e hindi pa kami nagtatagpo... kaya aun minalas ha ha ha!!... Nabiktima siya ng ganyan, yun nga lang iba. He was walking along the street (malabon) I think sa Concepcion, malapit sa area where the Factory ng Patis erected. It was night at kagagaling lang nia sa binyagan,he's carrying a bag(knapsack)inside nandun ung handycam... fresh from Japan. In a moment lang sa paglalakad biglang may humarang sa kanya, 3 big men(sbi nia malalaking ato raw e)at hinawakan siya at akmang gugulpihin, e kakapuring palang ang katawan ni butchoi maliban lang tiyan na malaki. He heard isa sa kanila na ang sabi, "Eto pare...tinakbuhan kapatid ko nito...P@^#&$ mo!!...yari ka ngaun"... siyempre ang lolo e makakasigaw ba ng "Captain Barbel" un, ayun halos tumiklop..."Hindi po, nagkakamali po kayo, Wala po akong tinakbuhan at wala po akong alam sa sinasabi niyo...maniwala kayo"........ well sa haba ng conversation e na-convince naman ni pareng Butchoi ung mga ulupong... pero... eto mabagsik!... "Sige kung hindi talaga ikaw yun naniniwala kami, medyo hawig mo kasi e yung hinahanap namin, medyo delikado ka, lika sumama ka muna sa min kasi nakatimbre ka sa barangay at mga tambay dyan, mamya makita ka baka gulpihin ka pa, pki lala muna ka nmin para makauwi ka na..." wow! how sweet naman the ma-ma, caring... e kaso ganito nangyari... sumama siya, Oo nga maraming tambay, mga may hawak na kung anu-ano...yun nga lang Hold-upper!! Ayun ang huling narinig niya sa ma-ma,"Boy!bigay mo na yang bag mo... pera walet, bka gripuhan kita"....anye-nyeeeee!!!

Eto nman ang version ko. I was heading sa Sta. Cruz...sa Bambang, ayoko mag LRT kasi nga barat ako ha ha ha. Sa Bambang mismo ako bumaba, I was walking along the street at medyo window shopping(hah!e puro hospital equipment dun!)medyo pagod na ako at 4pm na ng hapon, pupunta kasi ako sa kliente para maningil. Then suddenly, may girl...hanef! ang ganda!! powtah!...starstruck!!! Meztiza, balat akala mo bond paper, her skin parang sa chinese pero ang face e espaniola!!!(andale...andale!!!)napatingin din siya sa kin kasi nauuna lang siya ng konti. Then, buong paglalakad ko na yun e face niya ang nasa isip ko... lakad lang ako ng lakad... take note nakangiti pa... I recall e siya sinusundan ko... basta malayo na...pero bigla siyang nawala...ampowtah!!! napansin ko nasa ibang lugar na ako, I dunno the street name pero malayo na sa pupuntahan ko... "WHATA FU... ASAN NA AKO?!!" lahat ng nakikita ko e matataas ba building, puro chinese na tao...."YIKESSS!! BINONDO!!!", nagtanong ako kung kani-kanino... they told me na malayo na yung street na tinutukoy ko. Weird kasi na hindi ako pwedeng maligaw kasi kahit nakapikit ako e mapupuntahan ko yun, and almost 50x na ako nagawi dun.... wheewww!!! kung sino man yang babae na yan....lumayu ka...wahhhhhhhhh!!!

Monday, August 21, 2006

WEIRD BIRTHDAY NIGHT...


We had this friend of ours, may birtday... surely inuman. I came late, nauna husband ko dumating and because walang magbabantay ng bata e pinatulog ko pa muna.
Dumating ako sa bday e mga ala na sa katinuan yung iba. Lassshennng na, my hubby was playing with the drums kasi nga may tugtugan. Lahat barako pero lahat naman
e mga friends and kumpare namin. I think apat lang kaming babae, e yung get-ups ko pa e alanganin, mukha akong lalaki ha ha ha. I was in this corner, solo flight lang, ayokong
kumanta, ayokong makipag kwentuhan (bat pa kaya ako nagpunta e noh?). Then I have to pee... nakatayo lang ako in front of the door kung san ang toilet... anak ng!!! ang tagal
naman nito... baka lubid na nilabas nito ah?... At para malibang ako, I started to count some coins from my pocket, and some of it e nahulog mula sa kamay ko. I picked it one
by one, then ayun lumabas na yung tao sa CR. I looked up, and she was looking down with a smile. Pakiramdam ko e namutla ako, muka akong tanga sa posiyon ko ha ha ha.
"Sorry, it took me too long ha"... ok lang... sasabog lang nman pantog ko e... bwiset!

Nearly 10pm and still maingay pa rin, tagay-tagay... nandun pa rin ako sa same pwesto... kasi tradisyonal na yan, kapag ako dadarating e ako na ang isasalang, ganun din asawa ko.
Hangang sa eto na, kulitan na, hatakan na... "Mamya na ako, siya muna"... wala akong maituro kundi yung girl na nakasalubong ko sa CR, then nagtawanan lang. I cracked the tunes,
pinagbigyan para tantanan na ako. Then after that, the other bisitang girl nung may bday ang nag aya sa kin para sumalo and some gurlush talk (not my thing),
I known them lang sa face kasi wife sila nung ibang tropa kaso can't remember the names. They introduce me sa iba, and the girl na sinasabi ko kanina pa e siya mismo ang nagpakilala
sa sarili niya...(medyo hilo na ako, hindi ko matandaan name niya). She reached her hands towards me, what a manner naman kung hindi ko kakamayan diba?.. then sakin lahat nakatingin,
siguro the way yung kilos ko e kakaiba sa kanila, but surely, I'm not acting like a jerk (or would I?), the girl keep on insisting na dun daw ako sa tabi niya, medyo maingay nga nman at hindi na
kami magkarinigan. All I remember that night was she is only 19 (sabi niya), maganda siya yun nga lang hangang neck ko lang ata height niya, attractive,... nilamon ako ng buo... laki ng boobs e ha ha ha.
And finally she revealed, "Galing akong Japan"... so I see... "Talaga, dun ka work? ano nature ng work mo dun?"...anak ng pituka...ang plastik kong magtanong. Then parang hindi na ako comfortable.
Hindi nman siya siguro lasing para kumilos ng ganun. Then tinawag ulit ako para jamming ulit... I ask her, "Join me!",.... abay ang lola, biglang tumayo, nag request pa na Duet pa daw...ano toh? ASAP?
I let her work on the mic, "sige, I'll back you up!"... Nung medyo at I really thought na nalilibang na siya sa ginagawa niya, I step backward na para makaupo na ako... Then when I turned around towards
the chair...biglang "San ka pupunta?" sabay hawak sa waist ko, WHOAH!!... What did she think I am?.... I excuse myself na lang "sa CR lang". After that, I walked towards my hubby's chair, where all the
guys talaga ang nakapaligid. "What time tayo uuwi?"... he said na enjoy lang, mamya nalang daw. So wala akong magagawa kundi bumalik sa upuan ng mga gurlalush. Sabihin na natin na ang name niya
ay a.k.a "Lea" (nahihirapan na ako knina pa e), well Lea just asked me kung san ako galing... as if!!... BAKIT BA TANONG KA NG TANONG?... ayun nagkakwentuhan na kami, para siyang bingi kasi hindi
niya pinapansin yung mga kasama niya ako lang ata ang nakikita. Hangang sa...ay sus... she lean herself before me... kala mo mag jowa ha ha ha. Naiirita na ako, but nahihiya nman ako ipakita kasi
mukang mabait nman. Eto lang ang medyo nailang ako, when she's talking isang dangkal na lang layo niya sa face ko. Tapos yung dibdib niya nakadikit na sa arms ko... siguro kung lalaki ako may manoy ng
tatayo! kaso ang tumayo e balahibo ko sa batok. I still ignored pa rin the situation kasi bka lasing na nga. Or parang naiisip ko na di kaya she thought that I was a lesbian or talagang pumapatol sa babae.
Nahhhh.... mali lang iniisip ko...malambing lang siguro toh. Siguro it was pass 2am na, "we need to go" senyas ko sa hubby ko, lintek medyo matatagalan pa kasi halos lahat ng nandun e mga gamit namin...
so aayusin niya pa. I excuse myself again to go outside para magpahangin at medyo umiwas na sa inom. Lea followed, para akong may anino. She asked kung san kami umuuwi, I just smiled..."Bakit may
wheels kaba?...hahatid mo ba kami?" I said.... then I was surprised that she said "YES"... alin ang YES... may wheels ka o yung hahatid part?... then she laughed.... for crying out loud medyo napalakas ata tawa
niya kasi napatingin lahat ng tao... ultimo pedicab driver that was just passing by.... sabay banat ng "Nakakatawa ka!"... oh yeah...hindi nman joke yun ah? Then finally... she has to go home first..."Haayyy! salamat!"
But before that... she insisted my number, I explained that I don't have a celfone that night and it is still broken and it will be fix after 5 days. "Ang damot mo naman!"...nyeeee! I give up, binigay ko na rin para wala
ng mahabang chitchat..."I will text you after 1 week, then if you have time, punta ka sa bahay, lagi naman walang tao dun e" ....NYAKOPUUU!!...ayawan na. Ewan ko lang, I have 3 days to find out what will happen...
kung tatapon ko cel ko or tatakbo ako kapag nasalubong ko.

THE OTHER SIDE...

I am an artist, as I say so myself (weeh!) In a respective manner. Eversince I was 5yrs old, all I wanted to do was to draw. I was influenced by my siblings, espcially
by my sister. When I started school (kindergarten) lahat ng notebook at paper ko ay may drawing. It was normal to my age kasi lahat naman dumaan sa ganoon. When
I reached elementary, lagi na ako ang pick sa mga school projects, sometimes pati na rin sa mga local competition, poster contest etc. I was in grade 4 when my mother
was called upon my adviser. The reason; "Hindi nagsusulat anak niyo Misis, puro drawing laman ng notebook!". Ang nanay ko galit na galit, sa lahat ng magkakapatid, I was
the first na pinatawag ng magulang. Lahat ng notebook ko puro drawing, nagsisimula sa likuran ng page ng notebook hangang mag abot na sa front. I was scolded maghapon
sa bahay. My father seems to understand pero ang nanay ko medyo nagalit kaya when I'm in 5th grade e nagtino ako, pero hindi pa rin maiwasan... nangangati kamay ko.
Ang minsan na badtrip lang sa may ganitong talento e lahat ng classmate mo e magpapagawa sayo ng drawing kahit na simple lang, ako ang ituturo kapag may ipapa-draw
ang teacher ko sa blackboard. Highschool came at ganun pa rin, and even worsed than before. I was known by that, pati sa ibang sections e ako ang hinahanap, magpapa-
drawing lang ng face of Rizal sa illustration board. It was flattering in some ways pero minsan abuso na, alam nila na may ginagawa ka then if you ignore or should I say na
magdahilan ka, magagalit sayo. I remember nasa 4th year na ako, we have this drama show sa school, parang movies ang dating, 5 sections and 4 of them e ginawan ko ng
posters... not just one but 4 each. Kahit thank you from their adviser e wala akong natangap. Then another project came, history. Our teacher said that magpasa kami ng
drawings sa illustration board, we have to pick lang sa book about the famous places or faces from the world hiostory. Hala!...eto na pila. Ilan ang close friends ko; Marjorie,
Joy, Selina, Raquel and Lorraine... e di 5 na yun. Sa loob pa ng classroom, not included sa ibang section. I think na-idrawing ko e almost 40. Pero nung sa kin na ang gagwin ko,
ay sus! nagmukang drawing lang ng elementary. Then, when we graduated, ang nakuhang Artist of the Year e yung iba.... ha ha ha.... bwiset!

I was planning to take Architecture or Civil Engineer...kaso may Math ha ha ha. But my nanay wanted me to take a Computer course, either Comp. Eng. or Comp. Science...
Ang layo!! She insisted na "in" yan ngayon like sa sister ko na "in" daw ang Nursing. "Ayoko nga!", all I want is to draw!draw!draw!... Ipinaglaban ko yun! I took a schedule
exam sa UST at para hindi rin sumama loob ng mother ko e kumuha din ako ng exam sa Adamson for the computer Course. My mom said that kpag nakapasa ako sa
Adamson e dun na ako at nakapasa. But I was secretly got an exam sa UE CFA... and I passed... HA HA HA! MAY BUMABAGSAK BA DON?! It was fun to be like want
you always wanted to do. Pinangatawan ko yun. They said na "Walang pera dyan" (owssss!).

Art is everything. Lahat ng bagay pwede mong masabing art or artist (sa tao), music is one of them. I was introduced on some tune when I was still young, kakaiba hilig ko
regarding sa age ko. When I was in gradeschool... about in a 5th grade e may Santana and Guns na ako while the others was into New Wave. Poison, Warrant, Tesla, Skid Row and the
likes (sorry folks... I'm not into Metalica, well, yung Justice for all and Ride the Lighting medyo nahiligan ko pa) basta banda... yan maasahan mo ako. When in Highschool,
lumabas ang Illussion I & II, Black Album and ang sinasabi nilang Jologs na Bon Jovi (oy! nanood ako ng concert nyan).Kaputukan ng Nirvana (Buhay pa si Kurt), Pearl Jam,
STP at ang pagbabalik ng Aerosmith. Sa pinoy naman, Razorback... Classic na JDLC, Sampaguita at Asin. Take note my dear, gurl ako, yung mga barkada ko ayun kay
Chiqui Pineda pinakikinggan at yung national anthem na "Heaven Knows" ha ha ha... langya naalala pa. Senior year... eto na jamming-jamming, masakit man sa ear pero akala
ko okay na yun. I started at 17 ng nasama ako sa banda, but naging active talaga when Im 19. Late na ako nagsimula compare sa mga kabataan ngayon. But hindi ako mahilig mag-
reveal, mostly my close friends e hindi pa ako nakikitang tumugtog, even my own family, lalo na ang father na ayaw sa ganyan dahil mga "primus-adiktus" daw ang ganyan...
SEX, DRUGS & ROCK n' ROLL... wow! hanef! parang lahat ganun. My passion to music e nag bloom, sinasali ako ng nanay ko sa singing contest nung elementary years at naging
choir for 5 years. Pero rakista (yun ang tawag nila) pagtanda. I do write songs pero hindi ko mailabas.... potek ako lang ata makakaintindi nun e ha ha ha. Marami na rin akong
nakasama at sari-sari klaseng individual na musikero sa banda, paiba-iba ng member, minsan ako ang bago or sila ang pinalitan o pumalit. Naging consistent lang ang kasama ko
when my former friend (hehe, hubby ko na ngayon) ang nagkasama. I remember my first sabak to the Battle of the Bands e halos hindi ako makatayo sa kinauupuan ko, and I was 18 ata, I even vomit
sa sobrang tense..."Pare, kelangan ba natin toh?", until naging sanay na pero hangang ngayon e may "daga" pa rin sa dibdib kapg sumampa sa entablado. My last tugtog was last year.
November 2005, we're included sa finalist ng Yamaha Asian Beat. Until then wala ng masyadong major event. I was devastated when I quit, for the 1st time in my life, ngayon lang ako
tumalikod sa gusto ko dahil may dahilan. I missed everything, the guys(miyembro ko), the gigs, colleagues etc.

I WAS AT THE AIRPORT...

I was at the Airport last night, my sister, whom na umalis mula Manila to Saipan (where the hell is that?! ha ha ha). She will taking
up an exam for Nursing to work in the US. I wish her luck para ma-fulfill nya yung kanyang dream. She will be there for seven days
only. Before na muna siya umalis, nadun kami sa parking lot, well I'm not into "sundo-hatid" in the airport kaya I don't know anything
about it, my last punta there was in 1998, when my ex-bf go to Jeda to work. Well balik tayo, when we're waiting for her flight. As I said
we were at the parking lot, all I have in mind was "Yosi...Yosi...Yosi!", I reached for my pocket and I found out that there's nothing left, even
a broken stick of yosi. I got so depressed, "Bakit hindi ba ako nagdala ng extra...anu gagawin ko sa lighter ko?". But first thing in mind, before
I make a sudden move to look for a yosi, tumingin ako sa paligid, "Baka bawal". I've been in a part of some city na as in "No SMOKING"... I mean
"The Hell!", pero may vendor sa tabi-tabi. Like in Makati, pagbaba mo palang sa station ng LRT-Gil Puyat, bubungad na agad "No SMOKING",
in Quezon City, there's a part na meron din, lalo na if you're riding on a jeep and in some Manila area, pero sa gabi... hala sige parang mga
pugon lalo na sa Baywalk at Malate. Sa Makati, meron vendor pero tinitinda nila Blue Seal na tingi ha ha ha. It was hard to have a habbit of
smoking, kagaya nga ng sinabi ko na nung nasa NAIA kami last night, I saw a little store inside the parking lot and I thought it was a relief, but
when I got inside and saw the price of a 1pack of Winston Lights...." ANO!! 45 PESOS!!", lintek 19 pesos lang to sa palengke and 27 sa 7/11...bwiset!
I changed my mind na wag na muna mag yosi. I was so depressed, "pag uwi na lang or sa biyahe".

My Ate/Sister gave a final farewell to us, hindi kami gano sa "embraced" pero nagawa ko, langya 1 week lang akala mo mawawala ng matagal.
My father asked me kung kelan naman ang interview ko sa Dubai, I said, "next week pa", I was surprised, ayaw niya kami payagan na aalis ng
pinas, I dunno if his a patriotic or talagang ayaw niya. Ngayon, halos pagtulakan na kami ha ha ha. I really want to go to abroad, kung hindi ako
nag asawa malamang ngayon palang ako uuwi galing ibang bansa, at ngayon palang maghahanap ng asawa at lalagay sa gulo... este tahimik pala.
My father said, "bago ka umalis, hinto mo yang paninigarilyo mo".... What?! Yosi nanaman?!... "Ayyy naku Tay! kung alam nyo lang, gustong-gusto
ko na!"

I don't know what's got into me, bigla ko na naisipan yan kasi matagal ko na binura sa isip yang abroad na yan. I said to myself before na dito nalang
ako at kaya ko naman magtrabaho na hindi ko na kailangan umalis pa... eto hindi na Patriotic to.... Stupidity na to. Well, I humbly say na okay nman
ang kinikita ko, but everytime na nangyayari yun e parang may hatak pababa, dadaan lang ang pera sa kamay... mangiinis lang. I admit, mas malakas
ang kita sa freelance than sa dayjob, pero hirap pa rin makaahon. I'm holding a 5k on my pocket the other time, wala pang a week, nawawala na, or
Hmmmm saan ba nadala yun?.... Ahhh napunta lahat sa bayarin, bills, rent, food etc. etc. lalong lalo na dyan sa electric bills na yan!! I'm not a materialistic
person, mahilig lang ako maglabas or bumili ng kahit ano basta ikasasaya ng pamilya, pero sa sarili, hindi na... sowssss. Eto nga lang kahapon,
lumabas lang ako sandali, nawala na 3h, langya! bumili lang ako ng tsinelas. Ang mahal talaga ng bilihin, kaya minsan naisip ko kung lumipad na rin ako e.
When I was in a garment/sports company last month ago, ay naku! ang laki ng hirap ko sa transpo and food. Hindi ko malaman kung san ako dadampot ng
allowance just to provide lang pumasok. One of the HR said that our salary is fixed and dapat kasya na daw yun... I mean... Hello!! Talento po ang pinag uusapan
hindi ordinary job lang! "We have to budget everything" she said...oh yeah, kung yung presidente natin maloka-loka sa kaka-budget e... tayo pa kaya. I'm not earning
a 20k a month, nor to eat in a fast food lane at kakain sa Red Ribbon kapag breaktime ng 3pm noh! Eh magmula sa pagbili ng simpleng posporo at garapon ng kape
dinadanas ko hangang sa pgabayad ng rent monthly dinadaanan ko... Tapos sasabihin mo, "Budget lang!". Hindi ko malaman kung engot or talagang bulag e.

Iba kasi ang panahon dati, so atleast naranasan ko maghirap, walang makain. Mabuti pa nga ang iba okay lang, may pamilya pero nakapisan naman sa parents.
Walang iniintindi kundi kumain... natatawa nalang ako dahil may pinag aawayan pa mag asawa... anu kaya yun? Kaya ang remedy ko nalanfg talaga is lumayas na
sa pinas. There's nothing na rin siguro dito. Ayoko ng maging makata, abay lintek nagugutom pamilya ko e. If I had to get through everything, makaalis lang. Like for
sample, my boss... pure breed Chinese, dito na sila nagbinata... kumalat na lahi nila. But eventhough some of them are tough to work with,
nakakamangha rin. Consider this as a compliment to them. My friend also a chinese, manager ng isang printing press, magaling sila. Maybe
nature nalang nila talaga maging masipag, and sometimes, nature din nila pagiging kuripot ha ha ha. Dayuhan sila, but definitely buo ang loob.
So why cant we be like them?(not the part na sometimes hindi sila fair) Well, few may lucky pero dumaan sa isang damakmak na hirap.
If I ever have this chance to prove to myself na kaya ko maging maunlad, gagawin ko. Time is running out, isa na ako sa nahuli. Sometimes...
or everytime... I ask myself the big "Why?"... may hadlang ba? may dahilan ba? may maiiwan ba? meron ka bang hindi maiwan?... ANOH?!
Answers to those questions is "YES!"... I have a daughter, 3 years old, I'm a mother... It is not nature to a mother na iwan ang kanyang supling.
I want to guide her, gusto ko kpag dumaing sya e I'm the one she's going to call, gusto ko makita lahat ng "1st" niya. Nandito nga lang ako sa
office right this moment, but my mind e nasa bahay. Pano pa kaya kung malayo ako... Its a mental torture to a working mom like me. Parang wala
akong tiwala sa iba... ewan ko? I have so many reasons why I'm still here than "why I have to leave"... Ang gulo ko noh? Lintek na pera kasi yan e,
yan lang ang dahilan.

Tuesday, August 1, 2006

UE CFA...

We're going to have a college "tropa" reunion by the next January. My friend na nag-request was Jepp, nasa China siya ngayon, like everyone else e nabubuwang na ang loko sa kalungkutan, buti pa daw kami nsa pinas e magkakasama yung family. Well, maunlad na siya ngayon at proud ako sa kanya dahil sa work niya. Fernan (my kumpare and bestfriend since college) and I went to Alodia's house the other night. Alodia was the cum laude of our batch from Fine Arts. Ayun nagkakwentuhan about the past, recap ng mga kalokohan... etc etc. Humingi ako ng tulong about sa reunion, cause its been a long time at hindi ko na alam kung san lupalop ko hahanapin ang iba. Then this morning, I search sa Friendster, it was a big help kahit papano. I see Gracel dela Cruz, whom na pinaka cute sa min na akala mo bata (pero mas matanda sakin yan). I remember her completely kasi lagi kami magkasunod alphabeticaly, minsan tulungan sa plates, lalo na sa perspective, "Niq!...tulungan mo ako dito!" with matching iyak-iyak pa ha ha ha. Naka full battle gear yan pagdating sa poster color... dala niya lagi 12, samantalang ako 3 primary color lang. Minsan may dalang TSquare kahit alang mechanical drawing. Ang taong napakahilig sa cartoons, lalong lalo na The Simpsons at Archie, kaya tingnan mo lahat ng drawing nyan kamuka ni Archie (joke joke joke), compliment yun ha. Tawag ko sa kanya dati "Anak ni Leyson!", Ms. Leyson was our professor sa FA, hawig nya, at lagi pa sya ang tinatawag kapag pumapasok na sa loob ng classroom. "Gracel, come here muna"... pero yung pronounced niya kay Gracel e "Grachel" not "Graysel" like we used to call her. Speaking of Ms. Leyson, I remember sa Art History (can't remember which one), siya ang prof namin, okay siya magturo, yun nga lang kapag nag-coffee break siya... ay sus!!! isang bariles na ata ng kape ang iniinom, ang tagal siya bago bumalik sa classroom ha ha ha.

Then mabalik tayo sa searching, I also saw Athena Loyola sa friendster. She's married (si Bonzon kaya?). Isa sa pinakamahusay sa FA batch 94-98, ke-liit-liit na tao pero aatras ka kapag nakita mo creations niya. I heard that she was a cartoonist on one of the well known cartoon industry sa pinas... Kaya kpag napapanood nyo ang DragonBall, pinoy na ang karamihan na gumagawa non. A Santingan member, deans lister etc etc... any medium kaya (nakss). Akala ko nung una when I was in Highschool e ako na ang kilala sa drawing, nung pumasok na ako ng UECFA... nilamon ako ng buo, lahat ng gawa ko basura ha ha ha. Another cartoonist na I.B. (in-betweener) is Ricardo Bue, eto hindi ko malaman pano naging seryosong artist toh, e lahat ng laman sa katawan e kalokohan... lalo na gagayahin niya si Grover sa sesame st. ika nga ni Rommel e laging nag-aasin yung black shirt sa pawis (natawa ko dun ah), ngayon proud din ako, hayun maunlad na. Rommel Tan, eto nman e matalinong tao, lagi perfect sa mga quizes at exams, laging "Uno" sa plate (he he he), naalala ko yung TSquare nya,langya may bisagra ha ha ha. O di kaya lakas asarin si Rowen. Ahh eto... Rowen Estanislao (laglagan nato)... Isa sa mga napakaingay na tao, buka pa lang ng bibig tatawa kana, yung bang boses e maliit na hindi mo malaman, kakapuring na tao ha ha ha, panay lait ko noh pero naging jowa ko yan, ewan ko kung bakit(joke), besides his kalokohan side e napaka bait nyan, sa lahat ng naging ex ko yan ang naging bestfriend ko at kumpare to my anak pero simula nung pinanganak baby ko e hindi pa kami nagkikita nyan kaya malaki na utang nyan ha ha ha. I remember Rowen when times na napalungkot ko dahil brokenhearted "me", siya kasalo ko sa inuman, one on one lang kami, minsan 2pm pa lang ng hapon sa UE lasing na kami. Siya takbuhan ko kapag may prob ako. They said na married na rin siya, and lucky for the girl dahil responsable si Rowen at mabait yan, may wheels na rin daw ang loko, "Potek! Wen! buti abot mo yang Gas?! ha ha ha". Kung ako questionable ang jowamech kay Rowen, eto pa isa, Rosselle Uy, may crush kay Rowen (ha ha ha langya) but that was long history. Rosselle was a painting major but na-bore siguro kaya lumipat ng advertising, she was amazing sa painting, master nya yan. She's my "sangang-dikit" kahit saan, magkamuka na raw kami. Tatlo kaming magkakasama lagi, ako, si Rosselle at Fernan. Payatot pa si Fernan non na parang ako, ngayon kala mo wrestler. Hindi nman sa bad influence pero sa kanila ako nagsimula mag yosi ha ha ha. Ngayon nagsipag hintuan na sila... ako kala mo pugon pa rin. I was there when Rosselle got married, abay pa ako, we were 18 back then. After few years hindi ko na sya nakita. Last time na nagkita kami was about way back year 1999. Miss ko na tong tao na toh at isa sa prob namin ni Fernan kung san sya hahanapin. Next is Jepree Manalaysay ang pasimuno ng reunion. Our "Robin Padilla kuno" ng FA ha ha ha, kilala bilang sakang maglakad dahil pogi daw siya sa ganun. Isa rin si Jepp sa magaling lalo na sa mga realistic drawing, sama mo pa being athletic and musician. Isa siya sa naabutan ng Dredd sa pagsara (mga batang Dredd) at kpag ksama namin yan... ay naku... babae...babae... babae, "Pakilala mo naman ako oh". I admit na naging crush ko yan kaso niligawan niya yung schoolmate namin na si Paulet Tan, also an FA Interior (etong taong to hadlang sa kinabukasan ko mula Highschool pa ha ha ha). The last time na magkita ni Jepp e 2001 nman, before siya umalis para sa abroad. One of our so-called "father" was Diojenes Alejandro Sy (langya haba ng pangalan), well known sa pagdala ng car, yun nga lang nunukan ng barat ha ha ha, e pinaghalo ata Ilokano at Intsik.

Now I'm still on the state of recap, lahat flashback. Some worse days of my life pero marami yung masaya. When I get back after few years, naubos na halos ang tropa, may mga natira pa kaso syempre sa tagal mo ng nawala ang layo na ng hahabulin mo sa subjects. But me and Fernan was still intact. Rosselle was on the list of graduating class of 99. Si Jepp e wala na nung 97 pa, Rowen was still there but sabay na sila ni Rosselle na aalis. Yung iba graduate na like Gracel and Athena. Naiba na mga kasama ko, like Michael Villagante ang "maestro" ng water color.... whewwww! ayoko ng magsalita, potek magaling e. Josep "Ice" Pascual sa konsepto naman. Few like mga barako's Malbin Hung, walang ginawa kundi magpa-cute, nakasama ko rin sa work. Si Jovoy na ang lakas mang-asar, Terence na twag nila ay "Eyes", bahala na kayo humusga, at iba pa. Si Arly, longhair na rakista, Fitz na well known sa exhibit na ngayon and drummer, si Pitas na bahista at August na gitarista. Indap na nunukan ng tahimik pero matinik, Maia bilang "german" kpag galit. hmmmm sino paba...ahh Mickey na fashion icon, Raquel na sus lagi inlove, mareng Mavic na "Niq, masama yan, pag isipan mo", Len2x na fragile, kasi pag nasanga mo e bka tumumba. Si Cha na lahat ata ng itukso sa kanya e nagiging crush niya pero laking tulong sa kin yan, dahil witness nya halos lahat ng kagaguhan ko, yan ang naging kasama ko lagi... lalo na sa inuman ha ha ha. Lahat halos ng SininGang (well yung iba medyo kilala ko lang), mga Tuklas like Vienna, well known sa away nila ni Dudo, Jolly na Ska na. Jordan, galing Abroad, Teddy... etc etc. Hayyyy... haba. Well yung iba nakalimutan ko na ang name, but the memory will remain...(nakss!)

What a worse...

Few months ago, it was March 30, I filed a blotter case against a former friend of mine. Estafa. Humiliating may call but it was only a small amount. We confronted each other at April 6 at the Barangay Hall. I was too had a case, but it was a counter act to defend himself from my allegation. He said that he will going to payback all the money that he consumed. I gave him 3 months, so he signed the papers. The date will be July 31. I waited at the Barangay to call me up at the phone because I can't be there, I have to go to work (not unlike other people na nakatambay lang at purwisyo pa). No one shows up, even man lang kahit kamag anak niya. I bet that he wasn't seriously enough to confront me but the barangay said that they will give him up until friday for him to show up, if not then we're going to proceed to "demanda". I research on the net about estafa case, Department of Justice was 1st in line, and I saw a list of cases just like mine. A Bailbond Guide.

ESTAFA. (Art. 315, No. 1 (a), (b), and (c); No. 2(a), (b), (c) and (e); and No. 3(a), (b) and (c)

FELONY/OFFENSE: If the amount is over P200.00 but does not exceed P6,000.00
PENALTY:Arresto mayor maximum to prision correccional minimum
BAIL: P6,000.00