Monday, July 31, 2006

Are you Gay?

I was at my friends house last night (Day Off kasi he he). Usually, inuman to the max, kaso I'm not into drinking ngayon (oh please!). There, my humble friend serves us their "maling" from his mothers kitchen (hahaha..nandugas pa) and with the help of his cousins tropa to buy a an alak(e di nakalibre). Most of our kainuman is gay... yes! my dear, gay as you can imagine, in short... Bakla. The first few bottles of beer e sila ang sumagot. I was there lang sa sulok, looking at them while laughing to death. One of them was named Yuan or Yu-Ann... a 22 year old lad who claims that he was also gay but he's against to those na gumagawa ng kabaklaan na nakakahiya daw... the traditional way daw of being bakla is having a guy-by-side just to prove na kasama kana sa "federazzion" nila or even wears a lady dress (oh yeah) with matching heels na nuknukan ng taas or shorts na nuknukan ng ikli at rarampa in the middle of the night, hunting for boys to be victimized. I was looking at his face and yet nakakahinayang, he's a good looking guy yun nga lang bakla. I can see that he was happy sa ginagawa niya. When the topic was changed into love life, he was assured that he was so malas about that, and his face turned pale, I dunno kung nasusuka sya sa kalasingan or talagang nalulungkot sya. The other gay person that I encountered was much matured than Yuan, 36 year-old named Mayumi. He's different, lots of fun side, maybe because of his former job as a stand up commedian few months just before he went to Japan. He dressed like a girl, sleeveless shirt and a pedal pants, some make up but not that heavy, making her a stand out because of his humor. He acts like Joey de Leon when he opens his mouth at kung kumilos akala mong gurl talaga. His real name was Hector or something and some friends calls him "Baldo!"... I almost drop sa kakatawa when my friend ask him to reveal his name. Wala syang seryosong nasabi that night, puro pagpapatawa unlike Yuan na medyo senti. The third gay person is Patty, hindi ko masyado natanong ang characteristic nya, dahil bukod sa 2 bakla ay medyo tahimik sya. But the way he wears clothes ay medyo nakaka-shock!... He got a bustline I think of a size 36, medyo nahiya ako dahil yung sa kin e akala mo mungo compare to him. He wears a lots of make up, hindi nman sa napuna ko yung face nya na akala mong espasol sa puti... plunging neckline, hanging blouse and a see-through blazer in black and a mini skirt, and take note... naka T-Back. It was funny that they can wear those kind of clothes in just a simple inuman lang nman. I was thingking that kung natatangap ba nila ang mga tukso ng ibang tao, I mean, nde mawawala sa mga tambay dyan sa labas na nababastos sila. "Go lang!" they shouted!... They get used to it naman daw when the time comes, at kapag bakla ka na talaga ay hindi mo na daw papansinin yung ganun. One of my friends has a 1 brother only, actually 2 lang silang lalaki, sya nag asawa ng maaga, yung isa naging bakla (kaya pala tumakbo ng Dubai tatay mo e), he's against sa bakla (pero tawa sya ng tawa nung gabing yun), I said, we are all the same yun nga lang meron kakaibang nangyayari na sometimes hindi natin matangap, wala naman intensyon ang isang bakla na maging bakla at magkalat ng karumihan sa mundo. Minsan nga kung sino pa ang straight e yun pa loko-loko. When I was still in College, sa Fine Arts building e 5 lang ang bakla mula 1st up to 4th year, 4 of them e mukang lalaki pa rin, baluktot lang magsalita, 1 of them e talagang bakla na. When I stopped from school, bumalik ako after 3 years na, ayun... halos lahat bakla na, halos buong section meron na. I was shocked!! pati tomboy nag increase ng volume. But the gay guy e isa sa mga deans listers. I began to have 5 friends whose puro gay sila. I remember Mickey, real name Mark, magaling tong batang toh lalo na sa fashion subject, they said that he was look exactly like Bong Revilla (kaya imaginin mo si Bong na mahaba buhok) at totoo yun. But his parents doesn't know about his true revelations, kapag nsa bahay sya lalaking-lalaki sya, try mo tawagan sa phone ang isasagot sayo "O PARE KAMUSTA!" ha ha ha. Other one is Teddy, eto tlagang reveal na, kasi kahit uniform niya e uniform na ng babae e. Malakas din magpatawa... sasakit tyan mo. Si Jayvee naman medyo malambot, mulato siya pero ang taray ng kilay. He claims to have a boyfriend pero niloloko lang daw siya. Siya make-up artist ko when a school fashion show was held way back 2000. Yung iba hindi intention na malimutan ang name, lintek ang dami kasi e. When nag work ako, I remember Adan (ganda ng pangalan e noh), he was also gay. Sa kanya ko narinig ang mga kwento about bakla na talagang nanlalaki, 'bout their sex life, financial and love probelems, pero nde sya mukang bakla... wag lang magsasalita. I find it hard to believe that was really happening. Speaking of that experience, I was pinagkamalan na tomboy din dati. I was still 17 then, sa catwalk papuntang building ng FA e inaabangan na ako ng taga-BA, synchronize pa ang pagbati nila..."Hi! Niq"... I thought it was a plain gesture dahil baguhan lang ako. I cut my hair short, wearing a kupas na pants... matching wasak pa by the tuhod (hindi pa bawal sa UE nun yon), a chuck taylor shoes and a white Tee (wow! ang pogi!!)...jeprox! samahan mo pa ng Rayban. Maybe I look like a guy before (hangang ngayon naman e), Tom Cruise nga raw e (anak ng!! sana si Nicole Kidman nalang). Then everyday may naka abang, meron hindi nakatiis at nagbigay ng letter... sowsss akala ko it was the first ever letter of admirer na makukuha ko... hindi nman ako nagkamali...kaso galing sa babae. I freaked out... "Seriously pare!!... Do I look like a boy?" e malandi pa ako sa bakla kpag nakilala nyo ako...naman...naman...naman....Well, mabuti nman at hindi ako na enganyo.

I have a cousin who is bakla too, eldest cousin namin, so he was above 50 na. Etong katabi ko dito, may bahid na rin. Yung kumpare ko na in 10 years kaming magkaibigan e hindi ko matanong sa kanya kung ano talaga siya...powtah kilos bakla e... ang laking tao pa, baka isabit ako sa poste kapag tinanong ko e. My friends brother is bakla. My other kumpare...ayun bakla. Kaya wala na tayong magagawa. I accept the fact na tao rin sila, they do need respect... if they respect themselves.