Tuesday, August 1, 2006

UE CFA...

We're going to have a college "tropa" reunion by the next January. My friend na nag-request was Jepp, nasa China siya ngayon, like everyone else e nabubuwang na ang loko sa kalungkutan, buti pa daw kami nsa pinas e magkakasama yung family. Well, maunlad na siya ngayon at proud ako sa kanya dahil sa work niya. Fernan (my kumpare and bestfriend since college) and I went to Alodia's house the other night. Alodia was the cum laude of our batch from Fine Arts. Ayun nagkakwentuhan about the past, recap ng mga kalokohan... etc etc. Humingi ako ng tulong about sa reunion, cause its been a long time at hindi ko na alam kung san lupalop ko hahanapin ang iba. Then this morning, I search sa Friendster, it was a big help kahit papano. I see Gracel dela Cruz, whom na pinaka cute sa min na akala mo bata (pero mas matanda sakin yan). I remember her completely kasi lagi kami magkasunod alphabeticaly, minsan tulungan sa plates, lalo na sa perspective, "Niq!...tulungan mo ako dito!" with matching iyak-iyak pa ha ha ha. Naka full battle gear yan pagdating sa poster color... dala niya lagi 12, samantalang ako 3 primary color lang. Minsan may dalang TSquare kahit alang mechanical drawing. Ang taong napakahilig sa cartoons, lalong lalo na The Simpsons at Archie, kaya tingnan mo lahat ng drawing nyan kamuka ni Archie (joke joke joke), compliment yun ha. Tawag ko sa kanya dati "Anak ni Leyson!", Ms. Leyson was our professor sa FA, hawig nya, at lagi pa sya ang tinatawag kapag pumapasok na sa loob ng classroom. "Gracel, come here muna"... pero yung pronounced niya kay Gracel e "Grachel" not "Graysel" like we used to call her. Speaking of Ms. Leyson, I remember sa Art History (can't remember which one), siya ang prof namin, okay siya magturo, yun nga lang kapag nag-coffee break siya... ay sus!!! isang bariles na ata ng kape ang iniinom, ang tagal siya bago bumalik sa classroom ha ha ha.

Then mabalik tayo sa searching, I also saw Athena Loyola sa friendster. She's married (si Bonzon kaya?). Isa sa pinakamahusay sa FA batch 94-98, ke-liit-liit na tao pero aatras ka kapag nakita mo creations niya. I heard that she was a cartoonist on one of the well known cartoon industry sa pinas... Kaya kpag napapanood nyo ang DragonBall, pinoy na ang karamihan na gumagawa non. A Santingan member, deans lister etc etc... any medium kaya (nakss). Akala ko nung una when I was in Highschool e ako na ang kilala sa drawing, nung pumasok na ako ng UECFA... nilamon ako ng buo, lahat ng gawa ko basura ha ha ha. Another cartoonist na I.B. (in-betweener) is Ricardo Bue, eto hindi ko malaman pano naging seryosong artist toh, e lahat ng laman sa katawan e kalokohan... lalo na gagayahin niya si Grover sa sesame st. ika nga ni Rommel e laging nag-aasin yung black shirt sa pawis (natawa ko dun ah), ngayon proud din ako, hayun maunlad na. Rommel Tan, eto nman e matalinong tao, lagi perfect sa mga quizes at exams, laging "Uno" sa plate (he he he), naalala ko yung TSquare nya,langya may bisagra ha ha ha. O di kaya lakas asarin si Rowen. Ahh eto... Rowen Estanislao (laglagan nato)... Isa sa mga napakaingay na tao, buka pa lang ng bibig tatawa kana, yung bang boses e maliit na hindi mo malaman, kakapuring na tao ha ha ha, panay lait ko noh pero naging jowa ko yan, ewan ko kung bakit(joke), besides his kalokohan side e napaka bait nyan, sa lahat ng naging ex ko yan ang naging bestfriend ko at kumpare to my anak pero simula nung pinanganak baby ko e hindi pa kami nagkikita nyan kaya malaki na utang nyan ha ha ha. I remember Rowen when times na napalungkot ko dahil brokenhearted "me", siya kasalo ko sa inuman, one on one lang kami, minsan 2pm pa lang ng hapon sa UE lasing na kami. Siya takbuhan ko kapag may prob ako. They said na married na rin siya, and lucky for the girl dahil responsable si Rowen at mabait yan, may wheels na rin daw ang loko, "Potek! Wen! buti abot mo yang Gas?! ha ha ha". Kung ako questionable ang jowamech kay Rowen, eto pa isa, Rosselle Uy, may crush kay Rowen (ha ha ha langya) but that was long history. Rosselle was a painting major but na-bore siguro kaya lumipat ng advertising, she was amazing sa painting, master nya yan. She's my "sangang-dikit" kahit saan, magkamuka na raw kami. Tatlo kaming magkakasama lagi, ako, si Rosselle at Fernan. Payatot pa si Fernan non na parang ako, ngayon kala mo wrestler. Hindi nman sa bad influence pero sa kanila ako nagsimula mag yosi ha ha ha. Ngayon nagsipag hintuan na sila... ako kala mo pugon pa rin. I was there when Rosselle got married, abay pa ako, we were 18 back then. After few years hindi ko na sya nakita. Last time na nagkita kami was about way back year 1999. Miss ko na tong tao na toh at isa sa prob namin ni Fernan kung san sya hahanapin. Next is Jepree Manalaysay ang pasimuno ng reunion. Our "Robin Padilla kuno" ng FA ha ha ha, kilala bilang sakang maglakad dahil pogi daw siya sa ganun. Isa rin si Jepp sa magaling lalo na sa mga realistic drawing, sama mo pa being athletic and musician. Isa siya sa naabutan ng Dredd sa pagsara (mga batang Dredd) at kpag ksama namin yan... ay naku... babae...babae... babae, "Pakilala mo naman ako oh". I admit na naging crush ko yan kaso niligawan niya yung schoolmate namin na si Paulet Tan, also an FA Interior (etong taong to hadlang sa kinabukasan ko mula Highschool pa ha ha ha). The last time na magkita ni Jepp e 2001 nman, before siya umalis para sa abroad. One of our so-called "father" was Diojenes Alejandro Sy (langya haba ng pangalan), well known sa pagdala ng car, yun nga lang nunukan ng barat ha ha ha, e pinaghalo ata Ilokano at Intsik.

Now I'm still on the state of recap, lahat flashback. Some worse days of my life pero marami yung masaya. When I get back after few years, naubos na halos ang tropa, may mga natira pa kaso syempre sa tagal mo ng nawala ang layo na ng hahabulin mo sa subjects. But me and Fernan was still intact. Rosselle was on the list of graduating class of 99. Si Jepp e wala na nung 97 pa, Rowen was still there but sabay na sila ni Rosselle na aalis. Yung iba graduate na like Gracel and Athena. Naiba na mga kasama ko, like Michael Villagante ang "maestro" ng water color.... whewwww! ayoko ng magsalita, potek magaling e. Josep "Ice" Pascual sa konsepto naman. Few like mga barako's Malbin Hung, walang ginawa kundi magpa-cute, nakasama ko rin sa work. Si Jovoy na ang lakas mang-asar, Terence na twag nila ay "Eyes", bahala na kayo humusga, at iba pa. Si Arly, longhair na rakista, Fitz na well known sa exhibit na ngayon and drummer, si Pitas na bahista at August na gitarista. Indap na nunukan ng tahimik pero matinik, Maia bilang "german" kpag galit. hmmmm sino paba...ahh Mickey na fashion icon, Raquel na sus lagi inlove, mareng Mavic na "Niq, masama yan, pag isipan mo", Len2x na fragile, kasi pag nasanga mo e bka tumumba. Si Cha na lahat ata ng itukso sa kanya e nagiging crush niya pero laking tulong sa kin yan, dahil witness nya halos lahat ng kagaguhan ko, yan ang naging kasama ko lagi... lalo na sa inuman ha ha ha. Lahat halos ng SininGang (well yung iba medyo kilala ko lang), mga Tuklas like Vienna, well known sa away nila ni Dudo, Jolly na Ska na. Jordan, galing Abroad, Teddy... etc etc. Hayyyy... haba. Well yung iba nakalimutan ko na ang name, but the memory will remain...(nakss!)