Friday, October 15, 2010

Use Tagalog—for goodness sake!!


Maging makata para sa Bayan
Gumamit ng sariling wika ng maintindihan
Hindi naman dapat gumamit ng banyaga para sabihin ang saloobin
Minsan nagmumuka ka ng ignorante pero pilit pa rin gagamitin

Pilipino ka noong pinanganak ka
Kahit ang ina mo ‘aray’ ang iniyak noong nilabas ka
Pero bakit ngayon salitang ingles ang binoboka
Samantalang baluktot naman habang nagsasalita

Noong isang araw, hindi ba nagbasa ka ng diksyonaryo?
At natawa ka pa ng nalaman mo ang ingles ng ‘balat-kayo’
Ang lalim, ang lalim, hindi mo maarok kamo
Eh samantalang ‘maarok’ salitang Pilipino

‘Bobo ka talaga’ ang sabi mo sa akin
Nasa modernong panahon na tayo ‘eng-eng’ ka pa rin
Eh ano naman, sagot ko sa kanya
At least I know you’re a dickhead, kaysa sa akin!

A/N: I wrote this just to practice my tagalog. I’m not a foreigner and tagalog is my first language, but it seems I watched too many movies and crazed with books. Na possess na ako kaka-ingles nila HAHAHA (natawa pa ang impakta!)