Dated: October 10, 2006
Warning: Full Tagalog na may halong jologs!Manood ng sine, barat kasi!!
Anu ba magandang movie ngayon? The last time that I watch movie sa cinema ampowtah TROY pa ang palabas nun at 2004 pa yun. Hindi ko na nga alam kung magkano na bayad sa sine ngayon hahaha. San’ na ba ako sa panahon ng bagong teknolohiya e nsa kolelat ako? Last time na nagkita kami ng tropa nung highschool nilamon ako ng buo, ang mga celfone ng mga hindot mga hindi na nagpahuli… lahat de-camera, nung tinanong nila ako, "Niq anu number mo?" ang sagot ko…"sige tol chat down ko nalang sa papel"… bumulong yung bestfriend ko,"Sige, ilabas mo na…coloured naman e"…muset!! Hindi talaga ako mahilig sa mga ganyan, kung kaya pa ng analog e bakit hindi hahaha. My shirt last for 3 to four years kapag bibili ng brand new and the price is above Php200 hehehe bye-bye, even my pants, my 505 Levis e panahon pa nung elementary ako at last year lang namayapa. About naman sa shoes e ganun din, my boots usually will last on the 4th year since the day I bought the said item kaso pinagawa ko pa… ayun mukang bago ulit(barat talaga) and same goes to my rubber shoes. When we do gigs siyempre dapat medyo bago damit… Takbo ang lola mo sa ukay-ukay(bago ba yun). Kung sakali recycleble ang string ng gitara malamang ginawa ko rin yan e. Sa food naman, ay naku ganun din, 10pesos na Toknene or 3pcs na Shomai plus kalahating kalderong kanin… WAPAK! Maming gala at gotohan sa kanto e pwede na basta maayos ang pagkagawa. When I do grocery, kabisado ko na price ng mga yan at alam ko na rin kung kelan at san may discount kaso sa anak ko lang e inaabot na ng Php700 sa snacks lang nia that lasted for 3 to 4 days (2 days maliban na lang kung nakikidukwang yung mister ko) at 2500 per week lahat, dun lang ako sablay kpag dating sa pamilya…nawawala budget ko pano pagkain nila intindi ko hahaha. As for myself, sowss kapag nanay ka wala ka ng pakialam kung minsan muka ka ng engot sa kaka-ikot sa palengke kasi sa halagang piso e pinagdadamot ko pa(susmariakatilpo!). Hindi ako mahilig sa alahas, as you can see wala akong ring, necklace (well meron and its made of a cows horn hahaha) at earings… sa mga kolorete sa face nakowww lalo na, pulbos lang nalilimutan ko pa ilagay. Perfume…geeeesshhh! hindi ako mahilig dyan, nakikikulimbat lang ako sa cologne ng anak ko… in short po e napaka-barat ko para sa sarili ko.